Top 20 Tourist Spots in BATANGAS (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Last updated: 9 February 2024

Kung ang tourism ay isang feast, mahahanap mo sa Batangas ang isang malaking buffet na samu’t sari ang pagpipilian, perfect para sa magkakaibang trip ng mga bisita — historical sites, top eats mula sa mga homegrown restaurants, spectacular summits, iba’t ibang klase ng beach, secluded camping grounds, at magagandang underwater scenery!

Ang best part ng pag-explore sa Batangas? Napaka-accessible nito mula sa Manila! No-brainer choice ito para sa weekend getaways, summer escapades, barkada road trips, at company outings! Ito ang ilan sa mga best tourist spots na puwede mong puntahan at mga puwedeng gawin sa Batangas.

PHBEACHKLOOK

ATTENTION! Posibleng magbago ang opening hours kaya mas okay na i-check ang official websites o Facebook pages ng mga lugar na nasa list bago pumunta. Nag-provide din kami ng mga Klook links (para sa mga activities/tours) at hotel booking links (para mabilis mong makita ang mga resorts/hotels sa area).


Laiya, San Juan

Ang Laiya ay isang seaside barangay na masasabing nagre-represent ng buong bayan ng San Juan pagdating sa tourism. Sa katunayan, maraming beach resorts na nasa ibang parts ng municipality, katulad ng mga nasa Barangay Hugom, na ipinakikilala din bilang parte ng ‘Laiya’ para maka-attract pa ng mas maraming bisita.

Kilala ang Laiya sa mapusyaw o light-colored na buhangin nito. Hile-hilera ang mga resorts at hotels sa baybayin ng munting beach spot na ito, mula sa mga budget picks hanggang sa mga luxury selections. Patok na patok ang Laiya, San Juan sa mga locals bilang weekend destination at pati na rin bilang venue ng mga company outings o weddings.

WHERE TO STAY: Maaaring tignan ang aming Top 10 Resorts & Hotels in Laiya (San Juan, Batangas) article para sa hotel suggestions. Maghanap ng iba pang hotels sa bayan ng San Juan here!


Anilao, Mabini

Kilala ang Anilao bilang poster child ng bayan ng Mabini. Tulad ng Laiya, maraming ibang barangay na sinasabing nasa “Anilao” sila kahit nasa kalapit na barangay talaga sila. Gano’n kalakas ang hatak ng Anilao!

Mahahanap ito sa northern coast ng Calumpang Peninsula at isa ito sa mga Batangas tourist spots na unang idinevelop. Tinuturing itong birthplace ng scuba diving sa Pilipinas at deserve na deserve naman ang titulong ito. Hindi man kumikislap sa sobrang puti ang buhangin sa tabing-dagat nito, ang vibrant na underwater scenery talaga ang binabalik-balikan dito.

Madalas na jump-off point ang Anilao papunta sa ibang attractions tulad ng Sombrero Island at Masasa Beach sa Tingloy, ang sole island municipality sa Batangas. Ito rin ang jump-off point papunta sa Mt. Gulugod Baboy na kilala bilang hiking spot na perfect para sa mga beginners sa trekking. Ang ilang hikers ay nagbi-beach na rin after umakyat ng bundok.

Gusto mo ba mag-dive or matuto mag-dive sa Anilao? May mga options ang Klook even for beginners. Piliin ang package na perfect para sa iyo:

OPTION 1: CHECK PACKAGE & AVAILABILITY HERE!

OPTION 2: CHECK PACKAGE & AVAILABILITY HERE!

WHERE TO STAY: Maaaring tignan ang aming Top 10 Beach & Dive Resorts in Anilao (Mabini, Batangas) article para sa hotel suggestions. Maghanap ng iba pang hotels sa bayan ng Mabini here!


Tingloy

Ang Tingloy ay nasa Maricaban Island at ito ang tanging municipality na hindi parte ng mainland Batangas. Isa itong island municipality na nasa gitna ng Balayan Bay at Batangas Bay. Bahagi na ito ngayon sa mga sikat na Batangas tourist spots.

Bago sumikat ang Masasa Beach, hindi masyadong napapansin ang isolated town na ito. Naging kilala ang Masasa Beach dahil sa fine, pristine white sand nito at malinaw na tubig. Ngayon, popular na provincial attraction na ito na dinarayo ng libo-libong turista mula sa Metro Manila at iba’t ibang parts ng Luzon.

Minsan, napagkakamalan na part ng Anilao ang Sombrero Island, pero under Tingloy talaga ito. Isa pang beach destination sa Tingloy ay ang Oscar Beach na tinatawag din ng locals na Oscar Island. Tuluyan nang sumikat ang Tingloy bilang isang tropical island paradise dahil sa mga beach na ito.

Day trip lang usually ang uso sa mga tourists dito at madalas sa Anilao na nagbu-book ng hotel o resort ang mga gustong mag-overnight.

WHERE TO STAY: Maaari rin naman tignan ang aming Top 10 Beach & Dive Resorts in Anilao (Mabini, Batangas) article para sa iba pang hotel suggestions since ito naman ang jump-off point at ang pinakamalapit na popular na mainstream resort town sa Tingloy.


Lobo

Kung naghahanap ka ng unique na beach destination sa Batangas, make sure na nasa itinerary niyo ang Lobo. Imbis na fine, white sand ang nasa shores nito, karamihan ng mga beach ng Lobo, lalo na sa Malabrigo, ay nababalutan ng smooth pebbles at stones.

Less crowded ang beaches dito. A few years ago, medyo challenging pa makapunta sa Lobo dahil hindi pa sementado ang ilang parts ng daan, pero ngayon, mas madali na itong puntahan from Batangas City o San Juan. Kahit unti-unti na itong dinedevelop, mas tahimik pa rin ito compared sa ibang mas developed na coastal towns sa Batangas. Higit sa lahat, ang tranquility ng coastal town na ito ang talagang pinupuntahan ng mga tourists dito.

Kung balak mong mag-overnight, puwede mong puntahan ang lighthouse sa umaga, na tampok rin sa mga Batangas tourist spots. Ang Malabrigo Point Lighthouse (Faro de Punta Malabrigo) ay isang National Historical Landmark. Noon, puwede ka pa pumasok at mag-explore sa loob at paligid ng lighthouse, pero recently, hanggang tingin na lang mula sa labas ang pinapayagan. Gayunpaman, dahil overlooking ito sa dagat, napakagandang viewpoint nito.

WHERE TO STAY: Maghanap ng mga hotels sa bayan ng Lobo here!


Calatagan

Pinakasikat ang Calatagan sa mga beaches at dive sites nito. Ang peninsular municipality na ito ay kilala sa kaniyang cream-colored shores at mababaw na tubig. Maraming resorts sa mga beaches sa Calatagan na patok sa iba’t ibang klase ng travelers at tourists. Karamihan ng resorts ay nasa mga barangays na ito: Bagong Silang, Santa Ana, Uno, Balibago, at Balibago Quilitisan.

Ang Stilts Calatagan Beach Resort ay nasa high-end side ng budget spectrum at isang popular na events venue lalo na para sa mga weddings. Ang Aquaria Water Park naman ay perfect para sa mga mahilig sa aqua parks at slides na gusto rin ng beachfront experience. Isa sa mga rising beach camping destinations naman ang Manuel Uy Beach.

Bahagi rin sa Batangas tourist spots ang mga sandbars at snorkeling sites na mapupuntahan mo kapag nag-rent ka ng boat mula sa mga seaside resorts dito. Ang mga sikat na boat tour destinations sa Calatagan ay ang Little Boracay at Starfish Island. Bukod sa beaches, kilala rin ang Calatagan sa Spanish-era lighthouse nito — ang Cape Santiago Lighthouse, na nasa southern tip ng peninsula.

If wala kayong sasakyan or gusto niyo lang mag-travel conveniently from Manila to Calatagan, may Calatagan package na available na kasama na ang roundtrip transportation. Makakapili ka rin if gusto mo ng Day Tour Package lang o Overnight Package. Covered na rin ang floating cottage experience at island hopping na kasama ang Little Boracay sa pupuntahan.

CHECK PACKAGE INCLUSIONS & AVAILABILITY HERE!

WHERE TO STAY: Maaaring tignan ang aming Top 10 Resorts & Hotels in Calatagan article para sa hotel suggestions. Maghanap ng iba pang hotels sa bayan ng Calatagan here!


Matabungkay, Lian

Maaaring “old school” na pakinggan ngayon ang Matabungkay, pero sikat ito for a reason. Noong 1950s, ang strip na ito sa coast ng Lian ay isa sa pinakamaganda at pinaka-accessible na beach mula sa Manila at paboritong puntahan ng mga turista.

Ngayon, marami nang nagbago. May mga beaches na “na-discover” over the years na naging dahilan kung bakit na-overshadow na ang Matabungkay. Pero kahit hindi na kasing sikat sa mga Batangas tourist spots ang Matabungkay, go-to place pa rin ito para sa family outings at group excursions ng mga local tourists.

May mga resorts, tindahan, at mga bahay na nakahilera sa tabing-dagat nito, na lumilitaw sa kabila ng fine ash-colored sand nito. Pero ang pinakakilalang feature ng Matabungkay ay ang mga iconic floating bamboo raft cottages nito along its coastline.

WHERE TO STAY: Maaaring tignan ang aming Top 10 Resorts & Hotels in Lian article para sa hotel suggestions. Maghanap ng iba pang hotels sa bayan ng Lian here!


Nasugbu

Isa sa mga areas na unang na-develop sa Batangas ang Nasugbu kaya maraming tourist spots dito. From seaside villages, naging resort villages ang mga barangay dito. Ilan sa mga beaches dito ay nasa loob ng exclusive villages at resorts kung saan required ang membership, connection, o prior booking para mapuntahan mo. Ilan sa mga ito ang Tali Beach Subdivision, Punta Fuego, Hamilo Coast, at Canyon Cove.

Pero huwag kang mag-alala dahil karamihan ng beaches, coves, at islands ay accessible kahit walang prior reservation. Ilan sa mga ito ay Calayo Beach, Bituin Cove, Pulo Island (o Loren island), at Fortune Island.

WHERE TO STAY: Maaaring tignan ang aming Top 10 Hotels & Resorts in Nasugbu (Batangas) article para sa hotel suggestions. Maghanap ng iba pang hotels sa Nasugbu here!


Fortune Island

Dating luxurious exclusive resort, nagsara ang Fortune Island noong 2006. Kilala ito sa Grecian pillars at statues na nagpapa-alala sa mga visitors sa glorious past nito. Sa ngayon, open ang Fortune Island sa publiko. Ang rugged charm ng isla ang isa sa mga nakaka-attract sa mga turista na bisitahin ito. Maraming puwedeng gawin dito habang ine-explore ang isla: mag-cliff jump, mag-trek papunta sa lighthouse, mag-take ng maraming pictures, mag-snorkel, o mag-scuba dive. Kung gusto mong mag-swimming, may dalawang area kung saan puwede kang lumangoy: ang shallow pero maalon na beach o ang calm pero malalim na tubig sa cliff diving area.

At kung hilig mo ang diving, may mga malalapit na diving spots tulad ng Blue Holes, the Wreck, at Fortune NW. Minsan hindi sapat ang day trip, kaya puwede rin mag-camping at mag-overnight stay sa isla, pero depende ito sa weather at sa management. Sa mga mago-overnight stay, take this chance na mag-stargaze at astrophotography!

Para ma-reach ang isand, kailangan muna mag-register, magbayad ng entrance fee, at mag-rent ng bangka sa Fortune Island Resort sa mainland. Huwag kalimutan magdala ng food at drinking water. Bago bumalik sa mainland, siguraduhing linisin ang mga kalat at dalhin ang mga basura.

Kung manggagaling kayo sa Manila at gusto niyo mag-travel conveniently, maari niyo i-book ang join-in tour ng Klook para sa Fortune Island Day Tour from Manila. Included na dito ang roundtrip transportation at tour guide fee.

CHECK PACKAGE INCLUSIONS & AVAILABILITY HERE!

Entrance Fee: Day Trip, P350/pax; Overnight, P500/pax

Jump-Off Point: Fortune Island Resort, Apacible Boulevard, Barangay Wawa, Nasugbu, Batangas

Boat Rate: Day Trip – P4000 (1-4 pax), P4500 (5-8 pax), P5000 (9-12pax), P5500 (13-15 pax), P6500 (16-20 pax); Overnight – P4500 (1-4 pax), P5000 (5-8 pax), P5500 (9-12pax), P6000 (13-15 pax), P7000 (16-20 pax)


Mount Batulao & Mount Talamitam

Isa ang Mount Batulao sa mga sikat at pinaka-scenic na hiking destinations o tourist spots sa Batangas dahil sa lapit nito sa Manila. Ang jump-off point ay ang KC Hillcrest (Evercrest) na malapit sa border ng Batangas at Cavite.

Photo Credit: Asta Alvarez

Except sa ridgeline before mag-summit, binubuo ang trail ng easy slopes na hindi masyadong steep, kaya recommended ang Batulao para sa beginners. Nagiging challenging lang ang hike dahil mas lamang ang grassland features nito. Kapag summer months, mahirap ang hike dahil walang masyadong puno na nagpo-provide ng shade. Pero huwag mag-alala dahil may mga rest spots din sa trail.

Mas maikli ang hike sa kalapit na Mount Talamitam, pero mas matarik ito, lalo na kapag palapit na sa summit. Puwede mo naman piliin ang winding pero longer trail na madalas dinadaanan kapag pababa na ng bundok kung ayaw mo ng masyadong matarik na trail papunta sa summit. Ang bagong jump-off point ay nasa Barangay Kayrilaw. May mga hikers din na ginagawang twin hike ang Mount Batulao at Mount Talamitam.

Puwede rin mag-book ng private day hike tour sa Klook kung wala sa grupo niyo ang marunong mag-drive. Kasama sa package ng private hike ang round trip transportation mula McDonald’s El Pueblo at Mount Batulao, registration fee, snacks, at guide.

CHECK PACKAGE INCLUSIONS & AVAILABILITY HERE!


Mount Maculot

Ang Mount Maculot na nasa Cuenca ay isa ring favorite hiking destination na malapit sa Manila. May taas na lagpas 900 meters above sea level, mate-test ng Maculot ang endurance mo dahil sa steep assaults at rocky features nito. Bukod sa malawak na campsite, ang iba pang sikat na features nito ay ang summit at ang “Rockies” na may picturesque views ng Taal Lake, ng mga kalapit na bayan, at ng lush forest.

Photo Credit: Asta Alvarez

Doble-ingat kapag pupunta sa rockies para sa photo ops dahil minsan, sobrang lakas ng hangin. Yumuko o gumapang kung kailangan. Laging i-prioritize ang safety.

Kung wala kang sasakyan, may private Maculot Day Hike Tour na ino-offer ang Klook kung saan kasama na ang roundtrip transfers mula sa McDonald’s El Pueblo, Ortigas to Mount Maculot, guide, snacks, at registration fee.

CHECK PACKAGE INCLUSIONS & AVAILABILITY HERE!


Lipa Cultural Trip

Isang highly urbanized city na may modern establishments ang Lipa, pero hindi pa rin nawawala ang Batangan identity nito. Sa katunayan, marami itong maipagmamalaking mga historical at heritage sites, kasma na ang mga lumang simbahan at ancestral houses.

Casa de Segunda

Ang Casa de Segunda ay isang well-preserved ancestral house na may Spanish colonial period architectural style. Ang Metropolitan Cathedral of San Sebastian o Lipa Cathedral ay isa sa pinakamatandang simbahan sa Batangas.

Sagana din ang Lipa sa mga kainan na nag-o-offer ng mga signature Batangas dishes. Huwag kalimutan i-try ang kanilang staple merienda na lomi at Lipa-style goto. Kung coffee lover ka, huwag palampasin ang kapeng barako!

WHERE TO STAY: Maaaring tignan ang aming Top 10 Hotels & Resorts in Lipa City article para sa hotel suggestions. Maghanap ng iba pang hotels sa Lipa City here!


Taal Heritage Town

Ang kinikilala nating San Nicolas ngayon ay ang dating site ng original na Taal. Napilitang ilipat ang dating provincial capital nang pumutok ang Taal Volcano noong mid-18th century. Ngayon, isa na ito sa mga pinakakilalang Batangas tourist spots.

Taal Heritage Town

Kahit na bakas ang commercialization sa Taal, nananatili pa rin ang nostalgic old-town vibe dito at makikita pa rin ang well-preserved town hall building at mga ancestral houses sa paligid. Pero ang highlight ng bayang ito ay ang Basilica de San Martin de Tours o Taal Basilica na sinasabing pinakamalaking Catholic church sa Asia. Nakatayo ito sa isang hill kaya talagang kapansin-pansin ang iconic landmark na ito.

Kapag nagutom ka, i-try mo ang ilan sa mga signature dishes ng Batangas tulad ng tapang Taal at longganisang Taal. Puwede kang umorder nito sa Don Juan Boodle House – Taal malapit sa Taal Market kung saan puwede ka rin mag food trip o mamili ng pasalubong. Kung marami ka pang oras, puwede mo rin tingnan ang Barong Tagalog, balisong, at embroidery products dito.

WHERE TO STAY: Maghanap ng mga hotels sa bayan ng Taal here!


Club Balai Isabel

Ang nine-hectare property ng Club Balai Isabel ay kilala dahil sa frontrow seat nito sa napakagandang Taal Volcano at Taal Lake. May ipinagmamalaki rin ito na Aqua Park, isang floating water park na sinasabing may pinakamataas na waterslide sa Southeast Asia!

Photo provided by Klook

At kung hindi pa enough ito para punuin ang araw mo ng exciting activities, mayroon ding iba pang water sports at fun activities ang resort. Puwede kayo mag-rent ng jet ski, kayak, UFO, banana boat, flying fish, speed boat at iba pa. Kung quota na kayo sa water activities, puwede kayo mag-avail ng billiards, volleball/basketball courts, bike, darts at obstacle courses. Day trip man o overnight trip, siguradong sulit ang stay niyo sa resort.

Mayroong discounted day pass voucher at overnight voucher ang Klook. Kasama sa dalawang ito ang Aqua Park access. Kasama rin sa day pass voucher ang lunch, snacks, access sa swimming pools at ibang resort amenities bukod sa 1-hour Aqua Park pass.

CHECK DAY PASS + 1-HOUR AQUA PARK PASS AVAILABILITY HERE!

CHECK OVERNIGHT PASS + 1-HOUR AQUA PARK PASS AVAILABILITY HERE!

If plano niyo naman na more than one night or multiple days kayo magtatagal sa resort, tignan ang availability at rates sa date na balak niyo pumunta.

CHECK RATES & AVAILABILITY: Booking.com | Agoda | Hotels.com

Location: Club Balai Isabel, Barangay Banga, Talisay, Batangas
Day Trip Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM


Views of Taal Volcano

Ang Taal Volcano ang centerpiece ng Taal Lake. Kumpara sa ibang mga bulkan sa Pilipinas, maliit ito pero isa rin ito sa pinaka active. Marami talagang napapahanga sa picturesque view na ito.

Twin Lakes Tagaytay

Bago ang 2020 eruption, accessible ang Volcano Island sa mga turistang gustong makapunta sa edge ng crater nito. Matatanaw ang Taal Volano mula sa Tagaytay, pero puwede ring bumaba sa Talisay via Ligaya Drive para as malapitang view ng Taal Lake.

Hindi mo kailangan mag-check-in para makita ang magandang view ng lake at bulkan. Maraming establishments tulad ng restaurants at shopping centers ang may magandang view, katulad ng Twin Lakes complex na nasa Laurel, Batangas pero kilala bilang isang Tagaytay attraction.

Top Resorts with View of Taal Lake


Taal Lake Yacht Club

Dahil sa pangalan nito, maiisip mong fancy at intimidating ang lugar bilang isa sa mga Batangas tourist spots, pero welcome dito ang day tour visitors. Located sa northern shore ng Taal Lake, ang Taal Lake Yacht Club ay puwede ma-reach mula Tagaytay via Tagaytay-Calamba Road (now Isaac Tolentino Avenue) at Ligaya Drive. Bago ang 2020 Taal Volcano eruption, tampok ang resort na ito dahil sa kanilang volcano trek tour packages.

Taal Lake Yacht Club

Kung hindi na available ang tours na ito, puwede mo pa rin ma-enjoy ang water-related activities tulad ng sailing at kayaking. Nagpapa-rent din sila ng Hobie catamaran units. Welcome din dito ang day trip campers — puwede magdala ng sariling camping equipment at gear at puwede ring mag-rent ng gear.

Rates and Other Fees:

  • Membership: P800/month
  • Boat Rentals: P800 – P4000 depending on the duration, number of people, and specific boat type
  • Bar seating: P100/hour
  • 6-Person Cabana: P100/hour OR P300/day
  • 8-Person Cabana: P400/day
  • 16-Person Cabana: P800/day
  • Tent Pitch: P100/day
  • Camper Van: P1500/day
  • 4-Man Tent Rental: P500/night for 2 sleeping adults

Contact Details: Para sa corporate events, photoshoots, at ibang queries, puwedeng i-contact ang management sa 0917 123 1403, sa official website at sa official Facebook page.

Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Maaring magbago ang schedule. I-check ang official site o FB page para sa schedule updates.

Entrance Fee (Non-Members): P400/head

Getting There: Ang pinaka-recommended, convenient, at mabilis na way ay via private car. Dumaan sa Tagaytay-Calamba Road (now Isaac Tolentino Avenue) at kumanan sa Ligaya Drive. Gumamit ng Google Maps o Waze. Ang travel time mula Tagaytay papunta sa TLYC ay nasa 15 minutes.


Cintai Corito’s Garden

Ang Cintai Corito’s Garden ay dating private resthouse na may land area na more or less seven hectares. Eventually, ginawa itong Bali-inspired resort at spa complex na binuksan ng pamilya para sa publiko at tuluyan na itong naisama sa Batangas tourist spots.

Photo provided by Klook

Kasama sa amenities ang gardens, playgrounds, restaurant, at apat na swimming pools. Kapag nakakita ka ng mga free-roaming animals tulad ng mga ducks at ponies na pagala-gala, hayaan lang sila at huwag istorbohin. Para makumpleto ang relaxing stay mo, puwede kang mag-avail ng spa at massage services.

Kung plano mong mag-day trip visit, puwede kang mag-book in advance sa Klook. Makakakuha ka ng discounted rate na may day access sa resort, snacks, access sa lahat ng facilities, shower room, at animal feeding.

CHECK DAY PASS INCLUSIONS & BOOK HERE!

Kung balak niyo naman mag-stay overnight, puwede niyo makita ang room amenities at ma-check ang availability dito:

CHECK RATES & AVAILABILITY HERE!

Location: Cintai Corito’s Garden, Sitio Pandayan, Malabanan, Balete, Batangas
Day Tour Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM


Fantasy World, Lemery

Tinangka ng Fantasy World sa Lemery, Batangas na tumbasan ang Disneyland, pero hindi natuloy ang construction nito. Ngayon, unfinished pa rin ito pero hindi ito abandonado. Operational ito bilang photo spot destination na perfect para sa mga gusto ng fairy tale o grim aesthetic. Kilala din ito bilang prenuptial shoot location.

Photo Credit: The Poor Traveler

Kahit na walang masyadong action dito, ang buong lugar ay Instagram-worthy. Naging filming location din ito para sa mga pelikula (Fantastica, Got 2 Believe) at TV shows (Majika). Highlight ng park na ito ang mataas na castle sa gitna nito.

  • Opening Hours: Sa kasalukuyan, hindi na pinapayagan ang mga bisita sa loob ng property. Ang ibang mga gusto pa rin masilayan nang malapitan ang Fantasy World ay kumukuha na lang ng photos sa tapat ng gate or mula sa viewpoint along the road. Ang opening schedule nito dati noong puwede pa pumasok ang mga bisita ay from 8:00 AM to 5:00 PM.
  • Entrance Fee: CLOSED until further notice. Pero noong bukas pa ito sa publiko, ang entrance fee ay P100 per person.
  • Getting There: Sumakay ng jeep o bus mula sa Olivarez/Rotonda papunta sa Boundary (Cavite-Batangas boundary). Mula sa boundary, sumakay ng jeep papunta sa Lemery pero sabihin sa driver na ibaba ka sa may kalsada na papunta sa Fantasy World entrance. Puwede ka ring mag-rent ng tricycle para sa special trip pero may kamahalan ito — P200 per ride.

May beach resorts din sa Lemery pero walang white sand dito. Ang coast dito ay nababalutan ng volcanic ash. Malayo rin sa Fantasy World ang mga beach resorts na ito.

WHERE TO STAY: Maghanap ng mga hotels sa bayan ng Lemery here!


Verde Island

Ang Verde Island, tinatawag din na Isla Verde, ay nasa gitna ng Verde Island Passage na sinasabing center of the center of the world’s marine biodiversity ayon sa pagsusuri ng Smithsonian Institute noong 2007.

Ang tahimik na fishing island na ito ay nanatiling peaceful at hindi pa dinurumog ng tourism hanggang ngayon. May layo ito na more or less 45 minutes mula sa Batangas mainland. Konti lang ang resorts, homestays, at restaurants dito kaya halos walang turista sa rugged shores na ito. Pero hindi ibig sabihin nito na walang ma-o-offer ang island na ito.

Ang Mahabang Buhangin at Cueva Sitio ang dalawang lugar na pinupuntahan ng mga turista na ang hanap ay tahimik, rugged, at back-to-basics na beach experience. Ang jump-off point para makapunta sa Verde Island ay Batangas City: Tabangao Port (Public Boat) at Barangay Ilijan (Private Boat).

WHERE TO STAY: Maaaring tignan ang aming Top 10 Hotels in Batangas City article para sa hotel suggestions. Maghanap ng iba pang hotels sa Batangas City here!


Montemaria Shrine, Batangas City

Overlooking sa Batangas Bay ang Montemaria International Pilgrimage and Conference Center. Kilala rin sa pangalan na Montemaria Shrine, ito ay isang religious sanctuary na parehong pilgrimage site at retreat venue.

Photo Credit: The Poor Traveler

Nasa complex na ito ang higanteng statue ni Mary, Mother of All Asia, na sinasabing pinakamataas na statue ni Virgin Mary sa buong mundo sa kasalukuyan. Ito rin ay tinuturing na isang city landmark at mahalagang tourist attraction sa Batangas City.

Puwede kang umakyat sa observation deck para makita ang breathtaking view ng bay at ibang islang nakapaligid, kasama na ang Verde Island, Tingloy, at ilang parte ng Oriental Mindoro.

Location: Barangay Pagkilatan, Batangas City, Batangas
Contact Details: +6343-702-3545 / +6343-706-8998 / inquire@montemaria.com.ph


Santo Tomas

Madaling i-dismiss ang Santo Tomas bilang isa sa mga tourist spots sa Batangas dahil puno lang ito ng industrial parks, subdivisions, at farmlands, pero marami rin itong puwedeng i-offer sa mga turista.

Padre Pio Shrine Batangas

Pinagmamalaki ng Santo Tomas ang isa sa mga prominent historical figures ng bansa na si Miguel Malvar, kilala bilang huling Filipino general na sumuko sa mga Amerikano noong panahon ng Philippine-American War. Sa harap ng Municipal Hall ay ang Miguel Malvar Shrine and Monument na tribute para sa homegrown hero ng bayan na ito. Sa katabing building naman ay ang Malvar Library and Museum kung saan makikita ang buhay at legacy ng revolutionary general.

Isa pang key attraction dito ay ang National Shrine of Saint Padre Pio na nag-a-attract ng libo-libong bisita na karamihan ay pilgrims at deboto. Ilan sa mga makikita sa loob ng shrine complex ay ang circular main church, bell tower at Sanctuary of the Relics of St. Padre Pio.

WHERE TO STAY: Maghanap ng mga hotels sa bayan ng Santo Tomas here!


Find More Batangas Hotels!

Klook.com

Klook Code PHBEACHKLOOK


Watch Related Videos on YouTube

Panoorin ang aming Top 12 Things to Do in Batangas video below. Maaari niyo rin mahanap ang iba pang related videos sa aming YouTube channel.


Updates Log

2024.02.09 – Updated hotel and activity lists

2024.02.07 – Updated information

2023.07.05 – Updated information

2022.02.04 – First upload

Related Article: MANILA to BATANGAS Bus Schedules & Operators


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.